Writing prompt: "Harana" at "Apoy"
11:00 PMNasa harapan ko siya.
Hindi maayos ang pagtayo dahil palaging tabingi ang kanyang mga balikat. Inayos niya ang kanyang salamin at ngumiti, Tinugtog niya ang kanyang gitara kasabay ang kanyang pagkanta sa "Gitara" na medyo sintunado.
Nasa harap niya ako.
Ako'y di mapakali sa inuupuan at naiiyak.
Naiiyak, oo, naiiyak.
Tuwang-tuwa ang aking mga matang pinagmamasdan ang bawat galaw niya at ang aking mga tenga sa kanyang pag-harana.
Tuwang-tuwa sa boses niyang sintunado dahil yun ang pinakapaborito kong musika.
Naiiyak, oo, naiiyak.
Ramdam ko ang hapdi ng apoy sa aking puso tuwing siya ay ngumingiti.
Ramdam kong nagliliyab ito sa loob at pinili kong hindi ito patayin.
Naiiyak, oo, naiiyak.
Dahil nasusunog na ako at lubusang nasasaktan.
Pero pinili kong ngumiti at pigilan ang pagbagsak ng luha.
Naiiyak, oo, naiiyak.
Dahil siya ay masaya.
At ako'y napipilitan lamang.
Naiiyak, oo, naiiyak,
Dahil nasa harapan ko siya.
At nasa harap niya ako.
Ngunit ang kanyang mga mata ay nakalaan sa mga mata ng ibang tao.
0 comments