Ngayong gabi, handa na akong ipikit ang aking mga mata
Ayoko na, tama na
Gusto ko munang magpahinga
Nananakit ang mga mata sa kaiiyak
Sumisikip ang pusong patuloy na binibiyak
Ayoko na, tama na
Dahil ako'y tatahan na
Nang maihanda ko muli ang sarili
Sa sakit na dulot ng kinabukasan
0 comments