053117 // 19:34
7:34 PMAraw-araw, iniisip ko sapagkat
Lahat-lahat naman ay aking binigay
Bigyang linaw mo sana, kung ano pa ang kulang
Ano? Saan? O sino?
Saan pa nga ba pupulutin?
Ang sagot sa dinami-rami ng tanong na umiikot sa aking isip
Kasabay ng pag-ikot na ginawa mo sa akin
Saan pa nga ba pupulutin?
Ang lakas ng loob bumangon muli
Ang mga salitang pinanghawakang
nagpupumiglas at gustong bumitaw
Saan pa nga ba pupulutin?
Ang sagot at ang pag-asa
Kung ang puso ko'y basag na't ngunit patuloy pa ring inaapakan
Saan pa nga ba pupulutin?
Ako, akong nasisira ngayon dito
Habang ika'y naroroon sa malayo
Dito, ako, nasisira
Doon, ikaw, nagsasaya.
Dito, dito mo ako pulutin kung saan mo ako iniwan.
Ngunit sabihin mo muna, kung saan ko mapupulot
Ang sagot
Ang pag-asa
at ang mga salitang panghahawakan
Para alam ko kung hihintayin ko pa ang
masayang pagtunong ng iyong mga yapak pabalik sa'kin
O ako na mismo ang lalakad palayo
Sa sagot
Sa pag-asa
Sa mga salitang aking pinanghahawakang ngayo'y nagpupumiglas
at
Sa'yo, aking sinta.
0 comments